DAGUPAN CITY–Sa pagtaya ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa estado ngayon ng buong lalawigan ng Pangasinan kung pag uusapan ang kaso ng African Swine Fever o ASF, hindi pa kinakailangang magkaroon ng deklarasyon ng State of Calamity.

inihayag ni SINAG Chairman Engr. Rosendo So, maaaring hindi pa tuluyang magdeklara ng State of Calamity dito sa ating lalawigan dahil mayroon pang mga lugar na hindi pa tiyak o kumpirmadong may banta ng ASF.

Maiging manggaling muna aniya ang deklarasyon sa mga munisipalidad lalo na kung ito’y kumpirmado. Ngunit kung wala pa namang kasiguraduhan, iwasan na lamang aniya ang pagpapakalat ng maling impormasyon dahil kawawa lamang ang mga hog raisers.

--Ads--
SINAG Chairman Engr. Rosendo So

Payo nila sa publiko, kumonsulta muna sa Department of Agriculture o DA kung talaga nga bang kumpirmado ang mga lumalabas na balita upang maiwasan ang anumang tensyon lalo na sa mga backyard raisers.