DAGUPAN CITY– Nakita ang diwa ng bayanihan ng mga residente matapos na sumiklab muli ang grass fire sa Sitio Calamiong, Bonuan Gueset, na ilang metro lamang ang layo mula dito sa himpilan ng Bombo Radyo Dagupan.

Bagamat hindi tuluyang naapula, naging magandang hakbang ang ipinakita ng mga residente na pagtutulungan upang hindi lumawak ang apoy sa tulong ng pagpapasahan ng baldeng may lamang tubig na kinakargahan mula sa kalapit na fishpond.

Ilang minuto ang makalipas, dumating narin ang BFP Dagupan, matapos na maiparating sa kanila ang insidente.

--Ads--

Sa ngayon patuloy na iinaalam ng mga otoridad ang dahilan ng sunog bagamat muling binigyang diin ng ahensya na dapat maging responsable sa kanilang mga kinikilos ang publiko lalo at papalapit na ang panahon ng tag-init kung kailan malimit makapagtala ng ganito.

Sa mga nakalipas kasing taon, naging dahilan ng grass fire sa lugar ang pagsusunog ng basura o pagtatapon ng upos ng sigarilyo.