DAGUPAN CITY- Patay ang 3 katao na kinabibilangan ng isang menor de edad matapos na malunod ang mga ito sa isang malalim na balon sa Brgy Don Matias sa bayan ng Burgos dito sa Lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Burgos Police Station, nagkayayaan ang tatlong biktima edad 42 anyos, 37 anyos at 15 anyos na menor de edad na manguha ng isda sa loob ng balon nang magkaroon ng fuel leak ang kanilang gamit na water pump.

Dito na nagsimulang makaranas ng suffocation o hirap sa paghinga ang 3 mga biktima hanggang sa sila ay mahilo at kinalaunan ay nalunod .

--Ads--

Agad namang nadala sa Dasol Community Hospital ang mga biktima para sana maisalba subalit idineklarang dead on arrival ng doktor na tumingin sa mga ito.