DAGUPAN CITY–Nahaharap sa kasong administratibo ang isang pulis matapos naaktuhang nagsasabong sa isang cockpit arena sa bayan ng Basista.

Ang naturang 41 anyos na pulis ay miyembro ng PMFC 2nd Company sa bayan ng Tayug.

Napag alaman na isinailalim sa monitoring ang naturang police ng Intel Operatives ng Basista PNP .

--Ads--

Nang magsagawa ng operasyon ang kapulisan ay naaktuhan ito sa pagsasabong na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisan ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.