DAGUPAN CITY – Humigit kumulang 100 baboy ang isinailalim sa culling operation o pagpatay dahil sa African Swine Fever (ASF) sa Brgy. Palua, sa bayan ng Mangaldan.

Matatandaan na kamakalawa ay kinumpirma ng LGU Mangaldan ang pagpositibo ng ilang mga baboy doon ng suriin para sa ASF dahilan upang magsagawa ng malawakang blood sampling sa lahat ng baboy sa bayan at iba pang hakbang upang hindi na ito kumalat pa kabilang na dito ang isinagawang culling.

Naging mahigpit naman sa media ang naturang operasyon kung saan hindi pinayagang mai-cover ang pangyayari.

--Ads--

Inaasahang sa naturang operasyon ay hindi na kakalat pa ang kontaminasyon ng ASF sa nasabing bayan.