DAGUPAN CITY – Wala ng buhay at naliligo na sariling dugo ang isang ginang nang matagpuan ng mga anak sa loob ng kanilang tahanan matapos itong pagsasaksakin ng kaniyang mister sa Brgy. Cablong sa bayan ng Sta. Barbara Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Pol. Major Apollo Calimlim, Officer-in-Charge (OIC) Sta Barbara Police Station, na bandang alas-tres ng madaling araw kahapon ng makatanggap sila tawag sa pamilya ng biktima na kinilalang si Jennelyn Qumiang matapos matuklasan ang pagkamatay nito.

Ayon pa kay Calimlim, bago matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa, nagkaroon pa umano ito at ang kaniyang asawang suspek na kinilalang si Reynaldo Catungal Loresco, ng mainitang pagtatalo hanggang makalipas ang isang oras nagdesisyon ang mga anak nilang lumabas upang suriin ang situwasyon ng kanilang mga magulang subalit tumambad na sa kanilang ang amang duguan at naghuhugas ng kamay.

--Ads--

Matapos nito ay nilisan na nito ang kanilang tahanan gamit ang kaniyang motorsiklo .

Pol. Major Apollo Calimlim, Officer-in-Charge (OIC) Sta Barbara Police Station

Paghihiganti naman ang nakikitang motibo ng mga otoridad kung bakit nagawang patayin ng mister ang kaniyang misis dahil napag-alamang bago ang insidente, sinampahan ng biktima ang suspek ng kasong may kaugnayan sa paglabag sa Violence Against Women and their Children (VAWC).

Nabatid na bagamat, nasampahan na ito ng kaso ay patuloy paring bumibisita ang suspek sa kanilang tahanan. Bukod dito, isa ding drug personality si Loresco sa bayan ng Sta. Barbara.

Pol. Major Apollo Calimlim, Officer-in-Charge (OIC) Sta Barbara Police Station

Samantala, nanawagan naman si Calimlim sa publiko na makipagtulungan para sa ikadarakip ng suspek na hanggang sa ngayon sa subject parin ng kanilang manhunt operation.

Nanawagan din ito sa kaanak ng mister lalo at ng puntahan nila ito sa kanilang tahanan sa bayan ng Calasiao ay tanging motorsiklo nalamang nito na ginamit sa pagtakas ang nakumpiska.