DAGUPAN CITY–Sasabak sa pangalawang pagkakataon ang 18 taong gulang na si Russel F. Pascua Jr., tubong Alcala, Pangasinan para sa 2020 SODI World Kart Racing tournament sa Dubai sa Abril 16-18.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pascua sinabi nitong lubos ang kanyang galak na muli ulit siyang maka-qualify para sa World Championship sa larangan ng Kart Racing.

Nauna rito ay nakalahok na rin siya sa parehong kompetisyon na naganap naman sa Spain noong July 2019 ngunit dahil sa napalitan ang venue nito sa Italy ay hindi na nila nagawang lumahok pa rito.

--Ads--

Pangatlong international competition na ito ni Pascua na kung saan makakalaban niya rito ang 80 kalahok ng nasabing kompitisyon.

Sa kasalukuyan si Pascua ang numero uno sa kanyang kategorya sa Sprint Category sa Pilipinas at pang 134 sa buong mundo.

Humigit kumulang 70 kompetisyon na ang nasalihan ni Pascua sa buong karera niya sa Kart Racing.

Russel F. Pascua Jr.

Ang Kart Racing ay isang variant ng road racing gamit ang open-wheel, at 4-wheeled na mga sasakyan na kilala sa tawag na karts o shifter karts. Kadalasan itong pinangkakarera sa scaled-down circuits.