DAGUPAN CITY– Patay ang isang 14 anyos na binatilyo matapos aksidenteng mabagok ang ulo makaraang mawalan ng balanse habang sumasayaw sa Binmaley Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Junrie Ramos .

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan masayang nagprapraktis umano ng sayaw ang biktima nang mangyari ang insidente.

--Ads--

Bigla na lamang umano itong nadulas at nabagok ang ulo sa semento.

Base naman sa pahayag ng nakatatanda nitong kapatid biglang huminto ang tugtog sa speaker at paglingon niya ay nakita niyang nakahandusay at nakadapa na ang biktima.

Nagawa pa siyang maisugod sa pagamutan pero binawian din ng ng buhay sanhi ng internal hemorrhage.