Pinag-aaralan na ang pagdedeklara ng State of Calamity sa bayan ng Calasiao dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Calasiao Vice Mayor Majadeva Das Mesina, na nakikita narin nila ang pangangailangan na gawin ang naturang hakbang lalo at may ilan pang mga suspected na barangay na posibleng apektado narin maliban pa sa nauna ng dalawa kung saan mayroong isinagawang culling operation.

Paliwanag pa ng Alkalde, kailangan na itong gawin para makapagbigay ang lokal na pamahalaan ng tulong sa mga apektadong hog raisers bagamat pag-aaralan pa aniya nila kung magkano ang ibibigay na tulong bukod pa sa limang libong piso na nagmumula sa Department of Agriculture (DA).

--Ads--

Nabatid na pang-pito ang Calasiao sa mga munisipalidad dito sa lalawigan ng Pangasinan na naapektuhan ng muling pagkakatala ng ASF sa probinsya.

Calasiao Vice Mayor Majadeva Das Mesina

Samantala, pinawi naman ni Mesina ang pangamba ng publiko at pinabulaanan ang mga kumakalat na ‘fake news’ sa social media matapos na lumabas ang larawan ng ilang mga personalidad na balot ng mga medical gear.

Giit nito, na hindi dahil sa novel coronavirus ang ginawa ng mga ito kundi mga nagsagawa ng culling operation.

Dahil dito ay hinihiling aniya nila na mabago ang proseso matapos ang nabanggit na operasyon upang hindi na magdulot pa ng panic.

Calasiao Vice Mayor Majadeva Das Mesina

Sa huli ay tiniyak nito na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang hindi malabanan ang ASF maging ang NCoV.