DAGUPAN CITY–Kinumpirma ng Liga ng mga Brgy. President sa lungsod ng Dagupan na napag-usapan sa kanilang nakaraang Regular Meeting ang pag-gawa o formulation ng komite sa 31 mga barangay sa lungsod upang tumutok sa mga bisita o dayo sa kani-kanilang mga lugar na nasasakupan kaugnay sa isyu ng Novel Coronavirus o 2019-NCOV.

Ayon kay Councilor Marcelino Fernandez, Liga ng mga Brgy. President ng lungsod ng Dagupan, hinikayat nito ang publiko na i-report sa kanila ang mga dayo o bisita na kanilang lugar upang masuri at ma-assess nila ang sitwasyon.

Ang nabanggit na hakbang ay isa lamang sa mga bagay na ginagawa ng mga otoridad dito sa lungsod, liban pa sa mga ginagawang hakbang ng iba pang sangay ng City Government gaya sa City Health Office na abala rin sa information dissemination at ugnayan sa kanilang higher office.

--Ads--

Kung matatandaan base sa pinakahuling tala ng Department of Health, lumalabas na umaabot na sa 215 ang nasa ilalim ng Patients Under Investigation o PUI kung saan 3 sa mga binabantayan ay mula dito sa Ilocos Region.