DAGUPAN CITY–Nananatiling ligtas at walang nakikitang senyales ng ashfall sa ilang bahagi ng Eastern Pangasinan partikular na sa bayan ng Asingan.

Matatandaan na kabilang ang Eastern Pangasinan sa binabantayan at sinasabing makararanas ng ashfall o pag ulan ng abo kasunod ng pag alboroto ng Bulkang Taal gayunpaman, nabatid mula kay Asingan MDRRMC Officer Jesus Cardinez na wala pang banta ng nabanggit na aktibidad sa kanilang nasasakupan.

Binubuo ng 21 Barangay ang bayan ng Asingan at laking pasasalamat nila dahil maski isa sa mga ito ay hindi apektado.

--Ads--

Ayon kay Cardinez, kada apat na oras ay nag iikot ang kanilang grupo upang i-monitor ang kanilang nasasakupan sa anumang banta ng ashfall.

Sa pinakahuling labas ng balita, sinasabing nasa direksyon ng Silangan kung kayat malaki ang paniniwala nila na walang posibilidad upang magkaroon ng ashfall sa Eastern part ng Pangasinan.

Asingan MDRRMC Officer Jesus Cardinez

Giit ng opisyal na sakali mang magkaroon ng pag ulan ng abo sa kanilang bayan, nakahanda naman umano sila lalo na ang kagawaran ng kalusugan upang magbigay tulong sa kanilang mga residente.

Asingan MDRRMC Officer Jesus Cardinez

Handa aniya silang magpa mudmod ng mask sa mga barangay na malapit sa Agno River dahil isa ito sa mga direksyon na tinutumbok ayon sa forecast.