DAGUPAN CITY–Sa kabila ng mga panawagan at paalala ay nakapagtala pa rin ng mga biktima ng paputok dito sa buong region 1.

Sa panayam ng bombo radyo Dagupan kay Pol Lt. Col. Mary Crystal Peralta, tagapagsalita ng PNP Region I, sa tala nila as of 8pm kagabi, nakapagtala ang PNP region 1 ng 67 ang biktima ng paputok lahat ay mula sa Pangasinan area, 2 indiscriminate firing pero isa ang naaresto,14 arrested person dahil sa illegal possession of firecrackers, 10 na ang inaresto at tatlo ang pinaghahanap sa Pangasinan,habang isa sa La Union.

Humigit kumulang naman sa P139,309 ang nakumpiskang halaga ng illegal na mga paputok.

--Ads--

Karamihan sa mga nakumpiska ay mula sa ibat bang bayan sa lalawigan ng La Union at Pangasinan.

Pol Lt. Col. Mary Crystal Peralta, PNP Region I Spokesperon

Samantala,nakapagtala ng 2 insidente ng pagkalunod sa lalawigan ng Pangasinan, isa ay mula sa bayan ng Bayambang at isa sa Mangaldan.

Bago magbagong tao, isa rin ang naitalang vehicullar accident.

Isang structural fire ang nangyari sa lungsod ng Urdaneta.

Naiwanang ihawan ang pinaniniwalaang sanhi ng sunog sa isang restoran sa nasabing siyudad.

Samantala, matapos ang ilang minutong putukan bandang alas-dose ng madaling araw kanina, isang 4 na taong gulang na batang babae ang tinamaan ng paputok sa likod habang nasa loob lang ng bahay .

Sinasabing pumasok ang paputok sa loob ng kanilang tirahan.