DAGUPAN CITY–Umaabot na sa 11 ang nabiktima ng paputok sa lalawigan ng Pangasinan isang araw bago sumapit ang pagsalubong ng bagong taon.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dra Anna Marie Guzman Provincial Health Officer ng Pangasinan as of December 30 ay mayroon 11 kaso ng nabiktima ng paputok sa lalawigan na mas mababa ng 31 percent kumpara sa nakalipas na taon sa kaparehong panahon na nakapagtala ng 16 kaso.

Ang mga datos na ito ay nagmula sa mga pampublikong pagamutan sa lalawigan.

--Ads--

Karamihan sa mga biktima ay edad 6-13 taong gulang at mga lalaki. Ang mga naitalang kaso ay dahil sa paggamit ng paputok tulad ng kwitis , fountain boga, bawang at patusi na may tig isang kaso at luces at five star na may tig tatlong kaso.

Naapektuhan sa mga ito ang bahagi ng kanilang kamay, leeg,ulo, at tuhod.

Dra Anna Marie Guzman Provincial Health Officer – Pangasinan

Dahil dito hiniling ni De Guzman ang pakikipagtulungan ng PNP, Local Government Units maging ng mga barangay officials upang mamonitor ang mga nagbebenta ng paputok sa mga barangay lalo na ang mga ipinagbabawal na uri nito.

Aminado naman si De Guzman na dahil sa online selling ay mahirap ng mamonitor ang pagbili ng paputok ng publiko dahil diritso na itong inihahatid sa kanilang mga tahanan.