DAGUPAN CITY–Nagpapatuloy ang peacekeeping operations ng Northern Luzon Command sa mga lugar tulad ng Northern at Central Luzon matapos ang matagumpay na pagkakahuli, boluntaryong pagsuko at pagsagip sa mga Komunistang terorista at pagbawi ng iba’t ibang mga baril, improvised explosives device at iba pang materyales pangdigma.

Una rito, noong Dec 18 ngayong taon, boluntaryong sumuko ang anim na militia mula sa Bayan Member at 3 NPA-regulars sa pinagsanib na pwersa ng sundalo sa Isabela Police Provincial Office.

Noong Disyembre 20 naman, nakatanggap ng 12 komunistang terorista na surrenderess, 26 nakumpiskang at naisukong firearms na iprinisenta sa Fort Ramon Magsaysay sa Nueva Ecija.

--Ads--

Nalinlang umano sila sa mga pangako ng CPP-NPA at hinila mula sa kani-kanilang bayan sa Mindanao at Visayas upang sanayin bilang mga mandirigma para sa malisyosong hangarin ng mga grupong terorista. Dinala sila sa mga hindi pamilyar na lugar sa buong Pilipinas at inilagay sila sa mga sitwasyon kung saan kailangan nilang lumaban para sa kanilang buhay.

Ayon kay Lt. General Ramiro Manuel Rey , Commander ng Northern Luzon Command, mariing kinondena nila ang kilos ng CPP-NPA at malinaw umanong patunay na paglabag sa karapatang pantao habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang manipulative at mapanlinlang na paraan ng pagsasamantala sa mga bata para sa kanilang marahas na paraan ng pakikipaglaban para sa kanilang maling mga doktrina at ideolohiya.

Gayunpaman, tinutulungan ang lahat ng dating mga rebelde upang makatanggap ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program na naglalayong maihanda silang mapabilang muli sa lipunan at mamuhay ng normal.

Patuloy ang ginagawang hakbangin ng Northern Luzon Command o NOLCOM sa pagpapatupad ng Executive Order 70 para matuldukan na ang insurgency sa mga lokal na komunistang armado sa tulong ng komunidad laban sa mga CPP-NPA kung saan makakapamuhay ng mapayapa at ligtas ang lahat ng mamamayan.