DAGUPAN CITY— Isinagawa ang ceremonial destruction o pagsira sa daan daang mga paputok at mga pailaw na nakumpiska ng Pangasinan PNP ilang araw bago sumapit ang bagong taon.

Mula ang mga ito sa iba’t-ibang bayan at siyudad sa lalawigan ng Pangasinan na tinatayang nagkakahalaga ng P59,000.

Inilubog ang mga ito sa drum na may tubig at ibinaon sa lupa sa loob ng compound ng Pangasinan PNP.

--Ads--

Pinangunahan ito ni Police Col. Redrico Maranan, Provincial Director ng Pangasinan PNP, Explosive Ordinance Division Team , hepe ng mga kapulisan sa ibat ibang bayan at siyudad at BFP.

Kabilang sa mga paputok na ito ay ang Kwitis , Super Lolo, Plapla, bawang, boga at fountain.