DAGUPAN CITY–Pagmamahal ang sentro ng mensahe ni dating CBCP president at ngayon ay Lingayen Dagupan archbishop Socrates Villegas sa misa kagabi sa Saint John Cathedral dito sa lungsod ng Dagupan sa kaniyang homily ngayong Pasko.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito na dapat tularan si Jesus na mapagkumbaba at walang pinipiling mahalin.

Muling nanawagan din ang arsobispo na alalahanin ang pasko hindi lamang dahil kapanganakan ng Diyos kundi isapuso ang tunay na diwa nito katulad ng pagtanggap at pagkilala sa Diyos.

Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas

Tulad ng inaaasahan, dinagsa ng mga deboto ang misa.

--Ads--

Samantala, naging mapayapa naman sa kabuuan ang pagdiriwang ng bisperas ng pasko.

Walang nangyaring mga untoward incident bunga na rin ng mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad at pagtugon naman ng publiko sa payo at paalala sa kanila sa pagdiriwang ng pasko.