DAGUPAN CITY–Mabilis na narescue o nailigtas ng mga nakatalagang lifeguards ang apat na turista mula Sta. Mesa, Manila na muntik nang malunod nang matangay ang mga ito ng malakas na alon sa Tondaligan beach dito sa lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang magigiting na lifeguards na sina Manny Soy, Enzo Paras, Jhonny Aquino at Randy Lopez.

Nabatid ni Chief lifeguard Krismark Braganza na hindi ito ang kauna-unahang insidente na nakapagligtas sila ng mga turista mula sa pagkakalunod dahil noong mga nakaraang buwan ay nakapagligtas na din aniya ng dalawang turista mula naman sa Mandaluyong na noon ay muntikan na rin umanong malagay sa peligro.

--Ads--

Ayon naman kay Tondaligan Park Administrator Jhun Cadiz mahigpit nilang ipinatutupad ang mga
patakaran upang masiguro ang kaligtasan ng mga turista at beachgoers.