DAGUPAN CITY–Magkahalong emosyon ngayon ang nangingibabaw para sa National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) sa inilabas na hatol sa mga akusado sa Maguinadanao Massacre.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kay NUJP chairman Nonoy Espina, inihayag nito na magkahalong saya, lungkot at takot ang kanilang nararamdaman kasama ang kaanak ng mga 58 biktima na karumaldumal na napaslang sa insidente.

Matatandaan na sa naging verdict ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes, sa Maguindanao massacre case na hatulang guilty ang 28 indibidwal na sangkot sa karumal-dumal na krimen kasama sina Andal Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan at Anwar Ampatuan Sr., gayundin ang iba nilang kaanak na pawang may apilyidong Ampatuan at marami pang mga akusado na karamihan ay mga pulis.

--Ads--

Pero, napawalang sala din ang 55 sa mga akusado kasama na dito sina Sajid Islam Ampatuan, na kasalukuyang alkalde ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao at kay Akmad “Tato” Ampatuan Sr.

Paliwanag ni Espina, masaya sila dahil nahatulang guilty ang mga pangunahing suspek pero malungkot dahil may mga na-acquit o napawalang sala na miyembro ng pamilya Ampatuan lalo at sa kanila aniyang pananaw ay may bahid din ng dugo ang kanilang mga kamay o sangkot din sa krimen.

NUJP chairman Nonoy Espina

Bukod dito, nagdulot din aniya ito ng pangamba at takot para sa mga kaanak ng mga biktima na baka sila ay mabalikan ng mga nakalayang Ampatuan.

Subalit, sa kabila nito ayon kay Espina ay pinanghahawakan parin nila ang panalo sa hatol upang magsaya.

NUJP chairman Nonoy Espina

Samantala, umaasa naman si Espina, na makakatulong ang lumabas na hatol upang matuldukan na ang culture of impunity sa bansa na lalo pa aniyang lumalala sa kasalukuyan.