DAGUPAN CITY–Inaasahan ng Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas (KBP) Pangasinan chapter na magkaroon ng hustiya ang mga naging biktima ng Maguindanao massacre.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jay Mendoza, chairman ng KBP Pangasinan chapter, malaki ang tiwala niyang magkakaroon ng magandang resulta ng kaso dahil nakikita niyang ginawa naman lahat ng paraan tulaf ng pagpresinta ng mga ibidensya laban sa mga suspek.

Ang KBP ay isa sa mga nag abang sa ilalabas na promulgasyon sa kontrobersyal na kaso sa loob ng higit sampung taon.

--Ads--

Hiling niya sa publiko na manalangin na magkaroon ng magandang resulta at magiging pabor ang hatol sa mga pamilya ng mga biktima.

Jay Mendoza, Chairman KBP Pangasinan Chapter

Nagbigay payo naman ito sa mga kasamahan sa hanapbuhay na mag ingat sa kanilang trabaho.

Jay Mendoza, Chairman KBP Pangasinan Chapter