DAGUPAN CITY–Umaaasa ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na magkakaroon ng makatarungang hatol sa mga pangunahing suspek sa magyayaring promulgation ng Maguindanao Massacre ngayong araw.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay NUJP chairman Nonoy Espina, sinabi nitong hindi nila puwedeng pangunahan ang korte sa mangyayari at sla ay nakaabang sa magiging hatol.

Para kay Espina umaasa itong guilty ang ihahatol sa mga pangunahing suspek sa karumal-dumal na krimen.

--Ads--

Samantala, binigyang diin nito na tungkulin ng estado o gobyerno na pangalagaan ang lahat, pero sa nangyayari ay taliwas sa sinumpaang tungkulin ng gobyero kaya naman patuloy ang nangyaring patayan sa bansa lalo na sa mga mamamahayag.

NUJP chairman Nonoy Espina

Hindi anya nahuhuli ang mga mastermind kaya malaya silang pumatay at patahimikin ang mga mamamahayag.

NUJP chairman Nonoy Espina

Isa ang NUJP sa mga grupong nakikiisa at umaaasang makakamit ng pamilya ng mga biktima ang hustisya sa nangyari sa mga ito noong 2009.

Ngayong araw na ito ibababa ang hatol sa mga akusado sa pinaka-karumal-dumal na krimen sa bansa.

Marami sa mga kaanak ng 58 biktima ng krimen ay inaasahang magtutungo sa Camp Bagong Diwa sa Taguig para masaksihan ang pagbababa ng hatol na matagal nilang hinintay.