Pinangunahan ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang Iwas Paputok Campaign ng kagawaran na ginanap sa People’s Astrodome sa Dagupan City Pangasinan.

Ang aktibidad na “2019 Iwas Paputok Campaign” na may temang “Oplan Iwas Paputok, Iwas putol. Fireworks Display ang patok! Makiisa sa Fireworks Display sa Inyong lugar ay dinaluhan din ng iba’t-ibang mga tanggapan maging ng mga barangay dito sa siyudad.

Nagdala ng kaniya kaniyang alternatibong pampaingay ang mga dumalo sa aktibidad para pakita na hindi kailangan ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon.

--Ads--

Kasabay ng okasyon, hinimok ng kalihim ng Kagawaran ang publiko na umiwas sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Hindi na aniya bago sa lahat ang maaring mangyari kapag nabiktima ng paputok kayat mas mainam na umiwas na lamag sa paggamit nito.

Hinikayat din ni Duque ang publiko na huwag ­gumamit ng mga iligal na paputok na karaniwang nagiging sanhi ng disgrasya.

Marami naman aniyang alternatibong pamamaraan para makagawa ng ingay sa pagsalubong ng bagong taon.