DAGUPAN CITY– Agad binawian ng buhay ang asawa ng Alkalde ng bayan ng Rosales Pangasinan na isa ring Incumbent Brgy Captain matapos itong pagbabarilin kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Barangay Tomana East Punong barangay Reynaldo Casareno, 56 anyos .

Ayon sa impormasyon ng kapulisan, nakatanggap umano sila ng tawag mula kay Casanicolasan Incumbent Barangay Captain Lindo Licudo na pinagbabaril ang pinsan nitong si Casareno sa Brgy Carmay East sa nabanggit na bayan na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng kaniyang katawan na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

--Ads--

Agad namang tumakas ang mga di pa nakikilalang suspek matapos ang insedente .

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang pamamaril.

Napag alaman na ang biktima ay asawa ng alkalde ng bayan na si Mayor Susan Casareno.