DAGUPAN CITY–Dalawa ang nasawi habang isa ang sugatan sa insedente ng pamamaril sa Brgy Mangin dito sa lungsod ng Dagupan.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr hepe ng Dagupan City PNP agad na nasawi ang dalawa sa mga biktima na hindi na nito pinangalanan habang nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang isa pa na nasa maayos ng kalagayan.

Base sa isinagawa nilang imbestigasyon at nakalap na testimonya sa may ari ng tahanan kung saan naganap ang insedente, ang mga biktima at suspek ay bisita sa birthday party kung saan nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng mga sangkot.

--Ads--

Umalis umano ang suspek ngunit bumalik kinalaunan at bigla na lamang sinuntok ang isa sa mga biktima.

Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr Chef of Police Dagupan City PNP

Dito na nakialam na umawat ang 2 pa sa mga biktima na nauwi sa pamamaril ng suspek.

Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr Chef of Police Dagupan City PNP

Nangako umano ang mga kaanak ng suspek na isusuko ito ngayong araw. Napag alaman din na dating kawani ng gobyerno ang naturang suspek.