Nakakatanggap na ng pagbabanta sa buhay si Urbiztondo Mayor Raul Martin Sison II matapos ang magkasunod na pagpatay sa dalawang empleyado nito.

Sa ipinatawag na press conference ng alkalde , inihayag nito na hindi niya alam ang motibo sa natatanggap nitong pagbabanta sa buhay.

Inihalimbawa nito ang pangyayari noong buwan ng Setyembre nang may AUV na huminto sa harap ng kanilang bahay kung saan bumaba ang ilang mga lalaki at nagpaputok ng baril .

--Ads--

November 4 naman nang mapansin nito na mayroong puting sasakyan na sumusunod sakaniya mula NLEX hanggang SCTEX. Nang berepikahin umano nito ang plaka ng sasakyan sa LTO ay napag alaman nito na itoy peke.

Nababahala umano siya sa kaniyang seguridad kaya’t minabuti na isagawa ang presscon.

Ayaw na umano nito na may sumunod pang mamatay.

Nakiusap naman ang alkalde sa mga nasa likod ng naitalang pagpaslang sa dalawa nitong empleyado na itigil na ang mali nilang ginagawa

Matatandaan na noong nakaraang Linggo ay pinagbabaril si Jerick ‘Uno’ Caguioa driver bodyguard ni Mayor Sison na agad nitong ikinamatay.

Hunyo 11 naman ng paslangin din si Cesar ‘Bong’ Teniente na isang kawani ng Mayors Office ng nabanggit na bayan.