Hinihinalang nabiktma ng food poisoning ang isang guro dahil sa kinain nitong monggo sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Nakaranas umano ng pagkahilo, pananakit ng ulo at tiyan ang guro na nakilalang si G C.

Hinala ng naturang guro, marahil ang mga kemikal na inilalagay sa monggo upang makaiwaas sa bukbok ang dahilan ng kanyang naranasan.

--Ads--

Dagdag pa ng guro na ibinahagi niya ito sa publiko upang magpahatid ng mensahe sa lahat na mag-ingat sa mga kinakain.

Labis naman ang pasasalamat ng naturang guro na tinikman lamang ng kanyang mag-anak ang naturang monggo.

Bagamat ayon sa mga kinauukulan hindi pa maaaring sabihin na ito ang tunay na dahilan ng kaniyang naramdaman dahil kailangan pang suriin ang kanyang kinaing monggo.