DAGUPAN CITY–

Nabistong lumabag sa waste segregation ang ilang pagamutan dito sa lungsod ng Dagupan.

Sa isinagawang surpresang pagbisita sa mga pagamutan ng mga inspection team, lumantad sa kanila ang mga nagkalat na sako-sakong basura , bumubulwak na basura sa kanilang garbage facility,bakas ng natuyong dugo na umagos mula sa basurahan, placenta, mga diapers at maging magkakahalong mga infectious waste mula sa medical operations.

--Ads--

Hirap ang Waste Management Division na makausap ang pamunuan ng pagamutan kaugnay nito.

Nilinaw naman ng WMD, hindi nila kinukuha ang mga infectous waste dahil tanging plastic, papel at mga nabubulok na pagkain lamang ang kinokolekta.

Git ng WMD na kailangan na panatilihin ang kalinisan sa mga opistal lalo pat kalapit ilog ang mga pagamutan sa lungsod.