DAGUPAN CITY–Tiniyak ng Tarlac Police Provincial Office, na 100 pursyento ng handa ang kanilang hanay sa pagpapatupad ng kinakailangan seguridad sa gitna ng paghohost ng bansa sa 30th South East Asian (SEA) Games.

Ito ang sinigurado ni P/Maj. Jim Tayag, tagapagsalita ng Tarlac Police Provincial Office, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan.

Sa katunayan aniya ay dalawang buwan na silang nagsimulang isecure ang probinsya lalo na sa New Clark City (NCC), sa Capas, Tarlac na magsisilbi ding venue para sa dalawang kategorya ng laro na isasagawa na kinabibilangan ng Athletics at Aquatic Sports kung saan nagsimula na ang larong Water Polo.

--Ads--

Inihayag pa ni Tayag na tila airport security ang ipatutupad nila bukod pa sa mga K-9 units na maglilibot sa venue.

Dagdag pa ni Tayag, nasa 1,400 ang lahat ng mga pulis at kanilang force multipliers na nagbibigay seguridad sa lugar.

Samantala, pinayuhan naman ni Tayag ang publiko na sumunod sa mga ipinagbabawal ng mga otoridad na gawin katulad nalamang nang pagdadala ng mga malalaking bag patalim at maging mga drones.

Inihayag naman ni Tayag na hanggang sa ngayon ay wala pa silang mga naitatalang petty crimes sa lugar kasabay ng SEA Games kaya’t umaasa silang magpapatuloy ito lalo at target nila ang zero crime rate bagamat may mga naitala na aniyang ilang minor accident cases.