Narekober na ang bangkay ng dalawang nawawalang bata na kasama ng tatlong nalunod sa barangay Salinap sa lungsod ng San Carlos.
Ayon kay Lt. Col. Garie Noel Pascua, chief of police sa lungsod ng San Carlos, natagpuan ang katawan ni Raymart Peralta noong Nov 14 sa bayan ng Bugallon habang nitong Nov 15, natagpuan ang katawan ni Dionisio Lacaba sa barangay Bocboc, Aguilar.
Base sa imbestigasyon, nagkakayayaan umano ang lima na maligo sa ilog, pero aksidenteng napunta sa malalim na bahagi ng ilog ang mga biktima.
Nahulog umano ang bola sa ilog habang sila ay naglalaro kaya kukunin sana pero ito ang naging dahilan para sila ay malunod.
Una ng narekober ang bangkay nina Gemma Sunida, 10 anyos, Jaypee Lacaba, 12 anyos at Sheryl Perania 30 anyos, pare parehong residente ng baranay Salinap.
Nanawagan naman si Pascua sa mga nagtutungo sa lugar na hanggat maaari ay iwasang maligo sa nasabing ilog dahil malalim at delkado.
Napag-alaman na taun taon ay may nalulunod sa lugar.