DAGUPAN CITY– Mayroon umanong “promising lead” sa development ng kaso ng tangkang pagpatay kay Former Governor Amado Espino Jr na ikinasawi ng driver at Bodyguard nito noong September 11 sa San Carlos City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pol. Col. Redrico Maranan Provincial Director ng Pangasinan PNP, on going pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso kung saan mayroong “promising lead” ang imbestigador ng San Carlos City PNP na siyang may hawak dito.

--Ads--

On going pa rin aniya ang imbestigasyon sa kaso para matukoy ang iba pang may kinalaman na tumulong para maisakatuparan ang tangkang pagpatay sa dating ama ng lalawigan. Daily aniya ang pagsusubmit nila ng development report sa kaniyang tanggapan.

Pangasinan PNP Provincial Director Pol. Col. Redrico Maranan

Noong October 2 ay kinasuhan na ng patong patong na kaso ang 21 suspek sa naturang insedente kung saan 11 sa mga ito ay natukoy na. 2 counts of murder at 4 counts ng frustrated murder ang isinampa sa mga suspek na sina Albert Palisoc , Armando Frias, Benjie Resultan , Joey Ferrer, Ronnie Delos Santos , Gerry Pascua , Sherwin Diaz, Teofilo Ferrer , isang Resueller, Jewel Castro , John Paul Regalado, at 10 john Does na itinuturing na masterminds , financiers, conspirators at kasabwat sa insedente.

Matatandaan na noong September 11, sakay si Espino ng Toyota Land Cruiser SUV kasama ang kanyang driver na si Agapito Cuison at Jayson Malsi habang ang kanyang back-up security ay sakay naman ng black Toyota Innova na minamaneho ni Anthony Columbino at kasama sina Police Staff Sgt Richard Esguerra at Kervin Marfori at patungo sanang Brgy. Ilang, nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na armado ng mga mahahabang armas.

Agad na nasawi ang bodyguard na si Esguerra habang si Cuison, ang driver na nakapagtakbo sa dating Kongresista sa pagamutan ay binawian din ng buhay makalipas ang isang araw na pananatili nito sa pagamutan.