DAGUPAN CITY– Nahaharap ngayon sa kaukulang kaso ang isang ginang matapos na mapatay ang sariling anak sa lalawigan ng Batangas.

Pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng droga ang ginang nang pagtatagain nito ang isang taong gulang na anak.

Bigla na lamang umanong pinagtataga ng ginang na tila sinasapian ang anak matapos na mainis sa pag-iyak nito

--Ads--

Agad namang naaresto ng kapulisan ang suspek matapos na ireport ng mga kapitbahay nito ang ginawang krimen.