DAGUPAN CITY–Patay ang isang rider matapos na mabangga sa tricycle at magulungan ng truck dito sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Leo Magalong 27 anyos at residente ng bayan ng Mangaldan.

Ayon sa ulat, pauwi na sana ang rider sa bahay nito sa bayan ng Mangaldan nang mabangga ang kasalubong na tricycle sa kahabaan ng Bonuan Binloc, dito sa lungsod.

--Ads--

Tumilapon ang biktima mula sa motorsiklo sa sobrang lakas ng pagkakabangga nito sa tricycle. Sinubukan pang bumangon ng biktima pero nagulungan ito ng paparating na truck.

Binawian na ng buhay ang biktima nang isugod ito sa pagamutan habang sugatan naman ang driver ng tricycle.

Bagamat iginiit ng driver ng tricycle na nasa tamang linya siya ng banggain ng motorsiklo sinampahan pa rin ito ng kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide pati na ang driver ng truck.