Bilang pag-iingat, ipinag-utos na rin ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim ang pagkakaroon ng animal quarantine checkpoint upang maiwasan ang pagpasok ng African Swine Fever (ASF) dito sa lungsod.

Ito ang kinumpirma ni Coun. Joey Tamayo, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan.

Aniya, hiniling ng Alkalde ang tulong ng PNP Dagupan, upang samahan ang Public Order and Safety Office (POSO) at City Veterinary Office.

--Ads--

Layon aniya nito na masigurong mapapangalaan ang industriya ng hog raising sa lungsod.

Matatandaan na 2 bayan na sa lalawigan ng Pangasinan ang naapektuhan ng African Swine Fever kung saan nauna ang Brgy Baloling Mapandan na nalinis na rin sa ASF kamakailan habang patuloy pa rin na ipinapatupad ang 1-7-10 protocoal sa bayan ng Bayambang matapos na makapagtala ng kaso ng sakit sa Brgy Apalen kamakailan.