Nahuli na ang grupong nambibiktima sa mga mamimili dito sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan.

Ayon kay Pol. LT. Col Abubakar Mangelen Jr, Hepe ng Dagupan Police Station , pinakahuling biktima ng mga suspek ay isang senior citizen at retired teacher.

Napag-alaman na habang namimili ang biktima ay inipit ng grupo at nilaslas ang bag nito saka natangay ang pera.

--Ads--

Modus aniya ng mga suspek ay ipitin ang kanilang biktima sa mga matataong gulang at saka dudukutin ang pera nito.

Mismong ang hepe ay nagtataka rin kung papaano nalalaman ng mga suspek na may dalang pera ang kanilang bibiktimahin.

Nanawagan naman si Mangelen sa mga mamimili na mag -ingat habang papalapit ang buwan ng Disyembre dahil nagkalat ang mga magnanakaw.