DAGUPAN CITY– Binawi na ng Department of agriculture ang protocol 1 -7 -10 radius mula ground zero sa bayan ng Mapandan.

Ito ay makaraang nagnegatibo na sa african swine fever ang mga baboy sa loob ng 7 kilometers radius maula sa Ground zero sa bayan ng Mapandan.

Una rito agad Ipinatupad ang “1-7-10 Protocol” sa lugar na apektado ng outbreak.

--Ads--

Bahagi ng protocol na sa loob ng 1-kilometer radius kailangang patayin ang lahat ng baboy .

Sa 7-kilometer radius ay kailangang limitahan at bantayan ng mga awtoridad ang pagkilos ng anumang hayop sa itinakdang area.

Habang sa 10-kilometer radius ay kailangang i-report ng mga may-ari ng baboy sa loob ng itinakdang area kung may mga sintomas ng sakit ang kanilang mga alaga.

Sa kasalukuyan ay nakatuon naman ang pansin ng Provincial Government sa bayan ng Bayambang kung saan nakapagtala ng african swine fever sa isang babuyan doon.