DAGUPAN CITY– Nagpositibo sa African Swine Fever ang 30 nasawing baboy sa Brgy. Apalen Bayambang dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang mga nasawing baboy ay nasa labas ng 10 kilometer radius kung saan unang nakapagtala ng pagkasawi ng mga baboy partikular sa Brgy Baloling Mapandan.

Dahil dito ay masusi ngayong iniimplementa ang 1-7-10 radius protocoal upang matiyak na hindi na madagdagan pa ang mga baboy na maapektuhan ng sakit.

--Ads--

Matatandaan na halos 100 baboy na rin ang isinailalim sa culling sa Pangasinan matapos na makapasok ang ASF makaraang maipuslit ng isang trader ang mga baboy na apektado nito mula sa lalawigan ng Bulacan na si Roger Erpelo na ideneklarang “persona non grata” o “unwanted person” ng Sangguniang Panlalawigan.

Samantala naclear na sa ASF ang 10 km radius sa Mapandan at mga kalapit bayan nito matapos na magpositibo ang ilang nasawing baboy doon partikular sa Brgy Baloling.