Patay ang isang katao matapos na masunog ang isang bahay sa Brgy Mayombo Dagupan City Pangasinan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan nag umpisa ang sunog kaninang alas 3:38 ng madaling araw at tuluyang naapula 4:20 ng umaga.
Nakilala ang nasawi na si Mario Cabansag 64 anyos, na isang person with dissability. Tatlo silang nasa loob ng bahay nang maganap ang insedente kabilang ang isang pipi.
--Ads--
Ang napabayaang inilulutong pagkain ang nakikitang sanhi ng sunog.
Maliban sa bahay ng biktima ay nadamay ang katabi nilang tahanan na gawa sa light materials.