DAGUPAN CITY— Desidido ang mga kaanak ng tatlong katao na nasawi matapos mabangga ng van na sampahan ng kaso ang driver nito na ikinasugat din ng apat pa nilang mga kaanak sa bayan ng Binmaley Pangasinan.

Kabilang sa mga nasawi ay dalawang mga bata.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, ang pitong magkakamag-anak ay magsisimba lang sana nang salpukin ng kasalubong na van na papuntang Lingayen.

--Ads--

Dead on the spot ang nagmaneho ng tricycle na si Leody Padua.

Binawian naman ng buhay ang dalawang bata habang nananatili sa intensive care unit ng ospital ang apat na ibang sugatan.

Sa kabila ng paghingi nito ng tawad, sasampahan pa rin ito ng kaso ng mga kaanak ng biktima.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang posibleng kaharapin ng driver.