Naniniwala ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na muli ng maidedeklarang African Swine Fever (ASF) Free ang lalawigan ng Pangasinan.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Engr. Rosendo So, pinuno ng SINAG, na posibleng ngayong araw ay maideklarang wala ng presensya ng ASF sa probinsya.

Ito’y matapos na magnegatibo aniya ang mga pagsusuri na isinagawa sa karatig bayan ng itinuturing na ground zero sa naturang sakit na Brgy. Baloling sa bayan ng Mapandan, kung saan naipuslit ang mga baboy mula sa lalawigan ng Bulacan, at kinalaunan ay nagpositibo sa ASF virus ang ilan sa mga ito.

--Ads--

Matatandaan na dahil sa insidente, daan-daang baboy din ang pinatay sa ilalim ng 1-7-10 protocol na inilatag ng Department of Agriculture upang maiwasan ang paglaganap ng naturang sakit habang ang hog trader sa likod nito na kinilalang si Robert Erpelo, ay ideneklarang ‘persona non grata o unwanted person’ ng Sangguniang Panlalawigan.