Pagbabalik ng tiwala ng publiko magiging hamon matapos maapektuhan ng ASF ang Pangasinan

68

DAGUPAN CITY–Naniniwala si 4th District Board Member Ajerico “Ming” Rosario na mananatiling hamon sa lalawigan ng Pangasinan kung papaano maibabalik ang tiwala ng publiko sakaling tuluyan ng ideklarang African Swine Fever o ASF Free ang probinsiya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa naturang bokal sinabi nito na maaring mahirapan na maibalik ang tiwala ng mga mamamayan nito sa pagkain ng baboy maging sa mga nag-aangkat nito sa ibang lalawigan matapos na magpositibo sa ASF ang probinsiya.

Ngunit sa kabila nito naniniwala naman si Rosario na kung magtutulong tulong ang lahat, hindi lamang ang mga kinauukulang ahensiya kundi maging mga ordinaryong mamamayan ay babalik din ang lahat sa dati.

Nabatid na may ilang mga hog traders sa probinsiya na kahit ibenebenta na sa murang halaga ang mga karne ng baboy na hindi naman apektado ng ASF ay nahirapan pa ring bumenta dahil sa takot ng ilan sa pagkain ng karne nito.
Napag-alaman na ang ASF ay hindi nakakahawa sa tao o sa ibang hayop kundi tanging sa baboy lamang.

--Ads--

Wala itong banta sa kalusugan ng taong makakakain nito ngunit maari namang ikamatay ng baboy na mahahawaan.