DAGUPAN CITY– Pinangangambahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Asingan Pangasinan, ang pagkasira ng isang dike dahil sa walang habas na quarrying sa kalapit na bayan.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni MDRRMO Head Jesus Cardinez, mahigpit ang ginagawa nilang monitoring ngayon sa nangyayaring quarrying sa kalapit na bayan ng Tayug dahil sa posibleng epekto nito sa inyo sa kanilang bayan.

Paliwanag ni Cardinez, sakali kasing masira ang dike ay labis ding maaapektuhan ang kanilang bayan lalo na ang tatlong barangay sa kanilang boundery.

--Ads--

Samantala, naniniwala naman si Cardinez, na may sapat na kaalaman na ang mga residente at mga barangay officials sakali man na mangyari ang hindi inaasahan dahil kasama ang pagtugon sa naturang insidente sa resiliency training kung saan isinailalim ang mga ito.