DAGUPAN CITY–Nananatili pa ring polio free ang lalawigan ng Pangasinan .

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Provincial Health Officer Dr Anna Marie De Guzman na simula nang maideklara ang Pilipinas na polio free 19 na taon na ang nakakalipas kasama rin dito ang Pangasinan.

Hindi nagkaroon ng anumang kaso ng polio sa lalawigan sa panahong ito.

--Ads--

Inihayag naman ni Dra De Guzman ang mga sintomas ng naturang sakit tulad ng pagkakaroon ng lagnat, panghihina ng kamay o paa, hirap sa paghinga, Pagkapagod, Pananakit ng likod,leeg at mga kalamnan.

Matatandaan na noong nakaraang Linggo nang kumpirmahin Department of Health na muling nagbabalik ang polio sa bansa’

Taong 2000 nang ideklara ng World Health Organization na “polio-free” na ang Pilipinas.