DAGUPAN CITY–Dead on arrival sa pagamutan ang isang construction worker matapos aksidenteng makuryente sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Henry Dela Verde, 24 anyos , construction worker .

Kasama umano nito ang kaniyang kapwa mga construction worker at inaayos ang bubong ng bahay ni Barangay Kagawad Rolly Giba, nang bigla umanong sinadyang hinawakan ng biktima ang primary wire ng linya ng kuryente.

--Ads--

Ayon sa nakakita sa insidente na nakilalang si Gerry Malayos, 21 anyos, binalaan na nila ang biktima tungkol sa naturang linya ng kuryente ngunit nagbiro parin ito at hinawakan na naging dahilan upang itoy makuryente .

Agad naman itong isinugod sa Bayambang District Hospital upang lapatan ng lunas ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor na sumuri rito.