DAGUPAN CITY– Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang electrician matapos itong maaksidente ng mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa siyudad ng Urdaneta partikular na sa Brgy. Anonas.

Ang biktima ay nakilalang si Albert John Uy, 29 anyos, may asawa at tubong Brgy. Acao, Bauang La Union.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP , tinatahak ng biktima lulan ng kaniyang motorsiklo ang naturang daan patungong Timog na direksyon nang bigla na lamang nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at nagresulta upang mabangga ito sa barrier ng kalsada.

--Ads--

Dahil dito ay nagtamo ang biktima ng mga seryosong pinsala sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan at agad namang itinakbo sa pagamutan ng isang tricycle driver na nakilalang si Gerald Ubaldo, 28 anyos, na residente ng Brgy. Bayaoas sa nabanggit na siyudad.

Ngunit sa kasamaang palad ay idineklara ding dead on arrival ang biktima ng kaniyang attending physician

Sa ngayon ay naipagbigay alam na sa pamilya ng biktima ang insidente at nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.