DAGUPAN CITY– On going na ang isinasagawang tracing ng scene of the crime operatives o SOCO sa mga nakuhang ebedensiya upang makatulong sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa pag-ambush kay dating Pangasinan Representative Amado Espino Jr na ikinasawi ng bodyguard at driver nito sa San Carlos City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCol. Redrico Maranan, Provincial Director ng PNP Pangasinan, patuloy ang ginagawang tracing ng SOCO sa mga nakuhang bala, mga armas at iba pang nakuhang gamit sa mga narekober nilang getaway vehicle na magkahiwalay na natagpuan ng kapulisan sa lungsod ng San Carlos.

Inatasan na rin ang Highway Patrol Group na itrace ang mga may-ari ng mga narekober nilang sasakyan.

--Ads--

Tumanggi naman nang magbigay ng karakdagang pang detlaye hinggil rito ang naturang opisyal lalot nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon sa kaso.

Nauna rito magkahiwalay na natagpuan ng kapulisan sa lalawigan ang tatlong sasakyan na nagsilbing getaway vehicle ng mga suspek.

Kabilang na rito ang isang SUV na kulay pula na inabandona sa Brgy. Kubol, San Carlos at kinalaunan ay natagpuan naman ang inabandonang Hyundai elentra at ford Everest.