Hindi umano ikinukunsederang suspek ng Pangasinan PNP ang naunang nawawalang bodyguard ni dating Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., sa gitna ng pananambang dito sa lungsod ng San Carlos .

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCol. Redrico Maranan, Provincial Director ng PNP Pangasinan, ikinukunsedera nilang testigo si Anthony Columbino lalot mula umalis ng bahay ang dating ama ng probinsiya hanggang sa insedente ng pananambang sakanila ay magkasama ang mga ito.

Kasalukuyan na rin aniyang sumasailalim si Columbino sa debreifing upang maisalaysay nito ang boung pangyayari.

--Ads--

Inihayag din ni Maranan na maingat din nilang hinihihimay-himay ang mga nakakalap na impormasyon mula sa ibang nakasaksi sa insedente lalo na ang mga bystanders kung saan naganap ang pananambang lalot maari aniyang magkakaiba ang posisyon ng mga ito sa kanilang nakita.

Maaring maging magkaiba aniya ang pananaw nila sa nakita depende sa tinatawag na relative position o ang kinaroroonan nilang lugar.

Matatandaan na sakay si Columbino ng back-up security kasama sina Police Staff Sgt Richard Esguerra, na dead on the spot at Kervin Marfori, na nurse ni Espino at nananatiling kritikal ang kondisyon habang si Espino ay sakay naman ng isang Land Cruiser na siya ring ginamit upang maitakbo ito sa pagamutan matapos nagtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng tiyan at kaliwang kamay, ng kaniyang driver na si Agapito Cuison na noon ay sugatan at binawian na din ng buhay kasama ang isa pang Jayson Malsi.
Pero lumutang ang balita na missing in action si Columbino sa kalagitnaan ng ambush.