Mayroon ng person of interest na tinututukan ang Pangasinan PNP kaugnay sa pananambang sa convoy ni dating Pangasinan Governor at dating 5th District Congressman Amado Espino Jr. kahapon sa lungsod ng San Carlos.


Ayon kay PCOL Redrico Maranan, Provincial Director ng Pangasinan PNP na sa ngayon ay mahigpit pa rin ang pangangalap nila ng impormasyon para sa pagtukoy ng mga suspek maging ang pangangalap ng salaysay ng mga nakasaksi sa insedente.

Inaantay din nila ang resulta ng iksaminsasyon ng SOCO sa baril at trajectory examination sa sasakyan ng mga biktima.

--Ads--

Natukoy na rin nila ang may-ari ng narekober na sasakyang nagsilbing getaway vehicle ng mga suspek ngunit tumanggi pa niya itong tukuyin.

Samantala inihayag naman ng opisyal na inaalam nila kung nagkaroon pa ng pagkakataon na makipagpalitan ng putok ang kampo ni Espino laban sa mga suspek.

Malalaman aniya ito kapag natapos na ang ballistic examinaiton ng SOCO.


PCOL Redrico Maranan, Provincial Director ng Pangasinan PNP

Sa inisyal na imbestigasyon , sakay si Espino ng Toyota Land Cruiser SUV kasama ang kanyang driver na si Agapito Cuison at Jayson Malsi habang ang kanyang back-up security ay sakay naman ng black Toyota Innova na minamaneho ni Anthony Columbino at kasama sina Police Staff Sgt Richard Esguerra at Kervin Marbori at patungo sanang Brgy. Ilang, nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na armado ng mga mahahabang armas.

Matapos ang pamamaril ay agad ding tumakas ang mga ito sa direksiyong Malasiqui, Pangasinan.

Agad na nasawi ang bodyguard na si Esguerra habang si Cuison, ang driver na nakapagtakbo sa dating Kongresista sa pagamutan ay nasa kritikal paring kondisyon.