Nasa stable ng kondisyon bagamat nananatili parin sa Intensive Care Unit (ICU) si dating Pangasinan Governor at 5th District Cong. Amado Espino Jr., matapos na I-ambush ang sasakyan nito sa lungsod ng San Carlos, nitong hapon lamang.
█ DATING CONG. AMADO ESPINO JR., INAMBUSH
█ PNP San Carlos, nilinaw na isa palamang ang patay sa mga bodyguard ni dating Cong. Espino
█ Espino Ambush: Command Conference ng PNP, isinagsawa na
█ Mga bodyguard ni dating Pangasinan 5th District Cong. Amado Espino Jr., unti-unti ng nakikilala
█ Checkpoint at dragnet operation, isinasagawa ng PNP matapos ang ambush kay dating Pangasinan gov. Amado Espino Jr.
Ayon sa 71 anyos na dating ama ng probinsiya , malapitan silang pinagbabaril ng mga suspek kung saan niyakap umano ito ng kaniyang mga bodyguard dahilan upang ito ay makaligtas.
Agad namang dumating sa pagamutan ang mga prominenteng personalidad sa lalawigan. Kumpirmado namang patay ang isa sa mga bodyguard ng dating gobernador ng lalawigan na kasama nito habang apat sa mga bogyguard pa nito ang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Dalawang sasakyan lamang ang convoy na ginamit ni Espino ng mangyari ang insidente.
Napaka-strategic ng pinangyarihan ng insidente sa Brgy. Magtaking partikular na sa intersection dahil ang left side nito ay papuntang Malasiqui habang ang right side ay patungo namang bayan ng Basista. (with reports from Bombo Badz Agtalao and Cherryl Ann Cabrera)