DAGUPAN CITY– Inaasahang sa susunod na Linggo ay maiuuwi na ang mga labi ng isang Pinoy migrant worker na tubong Pangasinan na nalunod sa Taiwan matapos nitong iligtas ang kaniyang katrabaho.

Ayon sa pamilya ng biktimang si Renz Bravo, 23 anyos, tubong Bayambang Pangasinan, isinasaayos na ang pagpapauwi sa mga labi nito dito sa Pilipinas.

Dumalo umano sa isang church gathering ang biktima nang mangyari ang insedente.

--Ads--

Pauwi na umano sana ang mga ito nang isa sa kaniyang mga katrabaho ang muling lumusong sa tubig .

Nang makita niya itong nalulunod ay kaniya itong iniligtas .

Dinala pa sa Kuo General Hospital ang biktima ngunit hindi rin ito naisalba at idineklarang patay ng doktor.

Bago umano ang insedente ay nakausap pa niya kaniyang mga magulang at nagpaalam sa kanilang pupuntahan.

Napag-alaman na aktibo sa simbahan ang biktima bago pa man ito magtrabaho sa ibang bansa na kaniyang nadala hanggang sa Taiwan.