DAGUPAN CITY–Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang senior citizen matapos itong mabiktima ng hit and run sa bayan Bayambang Pangasinan.

Sa impormasyon mula sa nga kapulisan, nakilala ang biktima na si Victorino Delos Reyes, 62 anyos na residente din sa nabanggit na bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na bago maganap ang insidente sa kahabaan ng kakalsadahan ng Brgy Amancosiling, kung saan tumatawid ang biktima sa pedestrian lane nang biglang may dumating na motorsiklo na napakabilis ng pagpapatakbo.

--Ads--

Nagresulta upang mahagip nito ang biktima na naging dahilan upang tumilapon ito sa gilid ng kalsada habang ang driver naman ng motorsiklo ay agad na tumakas at tinakbuhan ang biktima.

Agad namang isinugod ang biktima sa pagamutan upang malapatan ng paunang lunas matapos itong magtamo ng malalang mga pinsala sa kaniyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente para sa posibleng pagkakatunton sa suspek.