DAGUPAN CITY– Dead on arrival sa pagamutan ang isang truck helper matapos mabangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang SUV sa bayan ng Bayambang Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, kinilala ang biktima na si Freddie Salvador 25 anyos, na residente ng Brgy Nancayasan sa siyudad ng Urdaneta, kung saan tinatahak nito ang kahabaan ng national highway habang kasabay rin naman nito sa naturang daan ang isang SUV na minamaneho naman ng isang Jeffrey Subang, 31 anyos na mula naman sa bayan ng Malasiqui.

Bumangga umano ang motorsiko sa kaliwang bahagi ng SUV.

--Ads--

Bilang resulta ay nagtamo ng serious head injury ang biktima lalo na at hindi rin ito nakasuot ng helmet ng maganap ang insidente.

Sinubukan pa itong isugod sa pagamutan ngunit agad ding idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Samantala, ang driver naman ng SUV ay dinala sa himpilan ng kapulisan para sa karagdagang imbestigasyon at inihahanda na rin ang maaring kaso na maisampa laban dito.